
Sunday, June 4
5 days to go...
limang tulog na lang...kinakabahan ako kse di ako kinakabahan... excited nko pero parang ayoko pa dumating ang araw...kaya ko ba??? kaya ko nga ba?Bless me Lord...
You know the desires of my heart...
I trust You and Your plans. =)
Noong Monday, nagreport ako sa PGH. Buti na lang at pinayagan nila akong July 3 pa magstart. E pano ba naman Start na agad ng June 5, ehhh NCLEX ko pa nga diba? Pero di ko sinabi na mag-NCLEX ako. sinabi ko na me work pko kse bilin skin ni Mam Nellie, wag na wag ko daw sasabihin na magnclex nko kse yaw nila yon.
Eniwei, ayon, na-excite na din ako magwork. Kaya naman iniisip ko na ang mga kailangan ko bilhin para sa duty ko. Bibili ako ng sphygmo at steth na kulay pink, body bag na maliit pdeng pang-duty, penlight, alcohol na sarili, lagayan ng medcards, dapat meron akong clipboard, tatlong kulay na ballpen, mga bulak at gasa (para in case maubusan sa ward) magpapatahi ng mask at pangtaas ng scrub suit na maganda, betadine, bibili ng white shoes (sa HK nlng ito siguro), isang box ng clean gloves at marami pang iba! hehehe, Kailangan ko bumili kse dalawa kme ng kapatid ko nanursing kaya halos naibigay ko na ang lahat ng supplies ko sa kanya noon at naubos na niya! Grabbeeeh, ang mahal mahal ng tuition fee nila sa MADOCS pero di sila binibigyan ng supplies! tama ba naman yon??? Buti na lang kame noon sa UPCN me supplies halos every sem/every year--isang plastic ng mga bulak, alcohol, sabon, sshampoo, betadine, good morning face towel, lagayan ng sabon, tongue depressor, micropor, syringes, gasa, gloves, mask at cap! kahit sa totoo, kulang yon pero OK na din!
Kaya naman bago ako magwork pupunta tlga ako ng divisoria at bambang. wehehehe!
Nakaisip na din pala ako nga gagawin habang naghihintay ng tatlong linggo para sa start ng duty ko...
MAG-AARAL AKO MAG-DRIVE!
saya dba?! yey!

1:05 PM

