
Thursday, June 8
future USRN
Nagising ako kanina (wed) sa mga txt ng mga tao na nag-gugudlak skin..ang saya non! pinalakas nila ang loob ko... ;-) naghanda nko ng mga damit pagkagising kahit masakit pa ulo ko. balak ko pa ngang magsagot ng 200+ items na exam questions pero di ko na nagawa dahil daming nagpunta sa akin ngayong araw na ito.mga 11am plang, tinawagan nko ni kuya ping para i-gudlak. hehe, maya maya, nagtxt na skin si bjay na padating na siya...at ayun nga, dumating nga siya agad. siyempre, binati nya ako, kinuha yung libro na hiniram ko at pinahiram ko din ng dr. house... :-D natuwa ako dahil pinuntahan niya ako kahit saglit lang... *big smile*
pagka-alis ni bjay, kumain lng ako ng lunch, dumating na si espie. tinawagan nga muna niya ako at tinanong kung pde akong istorbohin! haha! tumambay siya sa bahay at nagchikahan kme at nanood ng korean dvd na di ko alam title.(lorraine, ano ba title nung tungkol sa sayaw??? at yung bata sa my little bride ang bida? la kseng translation ehh..) mga 6pm na umuwi si espie.. hehe, madami ding tumawag skin nung hapong yon sa fone--sina rhoi, ate joan at ate joy. =)
pagkaalis niya, umakyat nko at nagsagot ulit ng ilang questions tapos dumating na si ate eyls. mga 7:30 pm na yun...maya-maya, nagdatingan na din mga ka-pastoring ko. sina ate rhyanne, ate anlyne, ate luan.. kasama si ate rose, ely, gid, kuya josh, at kuya ping. Ang dami! ang saya! nilamnan namin ang aming mga tiyan ng pancit canton, kape at tinapay. umalis sila before 10pm. =) Me mga tumawag ulit, at walang tigil ang mga txt sa akin. ang saya! Nakakatuwa, nakakatouch,,
Noong una, ayoko talaga ikalat yung exam ko, nahihiya kse ako pano kung bumagsak ako. APAT na sa mga kaklase ko sa UP ang nagtake ng NCLEX at pumasa na. iniisip ko, pano ako?? nahihiya ako pano kung bumagsak ako... Narealyz ko...di pala. Mas nakakatuwa pala kpag alam mong maraming nagdarasal at sumusuporta saio. Oo, nakakapressure pero sa kabila non, kakaibang lakas ng loob ang naibibigay nito. Tama si bjay, di dpat ako mahiya kung ano man ang magiging resulta. Basta alam ko, naibigay ko ang aking BEST. Ganon naman talaga daw ang buhay...di ka laging panalo...whew!
Kaya ngayon, magaan ang loob ko... =) Ayoko na masyado mag-alala..itinataas ko na ang lahat s kanya. Basta ibibigay ko ang aking makakaya. At panghahawakan ko ang tiwala ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin. Iisipin kong inspirasyon ang mga kapatid ko na gusto kong mabigyan ng BAON, mga magulang ko na gusto kong makapag-relax na at makapagpahinga sa trabaho, ang aking kinabukasan, aking magiging pamilya at higit sa lahat ang plano ni God. Alam ko naman, na kung ito ay para sa akin...ito ay ipagkakaloob niya... *wink*
O dba, apat na oras na lang, papunta na kmeng airport at nagbo-blog pa din ako ngayon. Alis kme, June 8, 2006...PAL 8:00 am flight. Sa Imperial Hotel, Kowloon kme magstay. June 9, friday, 1:45 pm ang exact time ng NCLEX exam. Sana magkakita kme ni Jobart sa June 10. Nandon daw sila june 9-11 pero mauuna pa din sila bumalik kesa smin.hehe,, Mga susunod na kwento...sa aking pagbabalik...
Haaayy...Maria Angela A. Mabale,R.N. --- future USRN. =)

12:26 AM

