
Friday, June 23
Sa aking mga UGAT...
...ang dumadaloy ay dugo!
Tatlong araw na lecture, demo at counter-demo tungkol sa Intravenous Therapy ang natapos ngayong araw na ito. Dalawang araw kaming nakinig at ngayong huling araw, maghapon na written at practical exam! Mataas naman ang total grade ko sa practical exam pero sumakit talaga ang ulo ko! Grabe!
Paano ba naman kailangan mo sabihin at i-demo step by step ang mga sumusunod:
Procedure I: Setting up/Changing IVF/Discontinuing IV Infusion (42/42)
Procedure II: Blood transfusion (23/25)
Procedure III: IV Drug administration (60/65)
Procedure IV: IV Insertion (19/21)
Prodeure V: One-on-one IV Insertion

Kinakabahan talaga ako nung ako na ang mag-iinsert sa partner ko! Mabuti na lang at mabait at matiyagang magturo ang preceptor namin na si Mam Maternal, ang Chief Nurse ng LPDH. Pinayagan niya kami mag-try ulit. At tinuturuan niya kami ng tamang gawin. Mahirap ma-master ang pagtusok sa ugat. Dapat alam mo tingnan kung ang ugat ba ay diretso, kung ito ba ay madaling pumutok, kung sapat ba ang laki nito para makadaloy ang IV fluid/dugo, atbp. Dapat din marunong kang magmanipulate ng IV catheter /cannula and needle para hindi mahiwalay ang IV catheter sa needle habang ipinapasok ang karayom. Sadyang may mga tao na mahirap hanapan ng ugat. May mga ugat din na madaling pumutok tulad ng sa matatanda. Iba't ibang hand techniques din ang maaari mong gamitin depende kung saan ka magiging komportable. =)
Hindi pa talaga ako kumportableng mag-insert ng IV. Pero alam ko naman na matapos ang ilan pang beses ng pagtutusok, masasanay din ako! Magcocomplete na lang ako sa PGH (sa loob ng anim na buwan) ng anim na IV insertion, anim na IV push at dalawang blood transfusion at magiging ganap na IV therapy nurse nko! May license ha! At least natupad ko ang isa sa mga goal ko bago magsimulang magtrabaho sa PGH. Yey!

7:57 PM

