Tuesday, June 13

 Sa Hongkong (Part 1)

Maulan sa Hongkong noong nagpunta kame. Sa apat na araw namin doon, halos puro lakad ang ginawa namin.hehe...

Dumating kme ng mga 10:05 am noong June 8. Dalawang oras lang naman ang byahe papunta doon. Hinatid na agad kme ng bus namin sa aming hotel... IMPERIAL HOTEL, Kowloon. Maganda ang pwesto ng Hotel namin. Dun siya sa mismong City at malapit sa mga tourist spot at mga shopping centre. =)

Konti lang ang mga private vehicles doon. Very dependent ang mga tao sa MTR (Mass Transit Railway). Fast, clean, efficient and inexpensive. Underground railway system ito kung saan maraming 'trasfer station' na pwedeng magpalipa-lipat ang mga tao ng line. Kaya naman madaling ikutin ang buong Hongkong dahil dito. Ang isa pa sa nakaagaw ng aking pansin ay yung mga double-decker na bus. Sobrang na-excite talaga ako sumakay doon. hehe...ang babaw daw ng kaligayahan ko sabi ng tatay ko. =)

Noodles...noodles...noodles at noodles ulit ang madalas na pagkain namin doon. Siyempre...nakapagpraktis ako maigi gumamit ng Chopsticks.. Doon lang kami kumain sa mga small-time na restaurants dahil mahal mag fine dining! Dun yon sa mga gilid-gilid at syempre, medyo masikip ang pwesto. Di din marunong mag-english ang mga waitress kaya dapat marunong ka sumenyas at tinuturo na lang namin ang mga pagkain sa menu. Weird kse di man lang ako nakakain don ng siomai. harhar! Merong 7-Eleven din doon pero mura lang ang bilihin. Unlike dito na halos doble ang presyo. Mas mura pa nga sa 7 eleven kesa sa mga mini-grocery stores doon!

Noong first night namin, nagpunta agad kame sa tinatawag nilang 'Ladies Market' sa Mong Kok. Doon daw ang mga murang bilihin. Pagkadating namin don...aba! parang Divisoria din! haha! Di na din kame masyadong nagpagabi dahil umuulan na din at may exam pako kinabukasan. Pagkauwi namin, pinasadahan ko lang ang mga concepts ng mabilis tapos natulog na ako ng 1 am.

Kinabukasan, may free breakfast yung package namin sa Fairwood. Walking distance lang yon sa Imperial Hotel. Ang laman ng free breakfat ay: half slice ng toasted bread, egg, sausage/ham at milk tea/coffee. Di siya nakakabusog. haha! For three consecutive days doon kame breakfast pero usually umoorder pa kame ng iba pa. hehe,

Maulan ang 2nd day namin sa HK. Sina Ninong Lito, Tita Cecil at Tita Pita ay nagpunta noon sa Disneyland kahit malakas ang ulan tapos ako naman ay sinamahan na nina Tatay at Nanay sa Queen's Road Cental para sa aking NCLEX exam.

Sa Grand Millenium Hotel ako nag-exam. Mabilis ang proseso nila doon. Strict din sila--bawal ang jewelries, anything na laman ng pocket, at naka video kame althroughout the exam. Ang NCLEX exam ay computer generated. Titigil ang exam mo kapag 95% SURE na ang computer na above passing ka or below passing. You can have at least 75 questions or at most 256. There are 6 hrs alloted time for the exam including the instructions and the break. Sa awa ng Diyos di nko umabot pa ng 100 questions. Sana sana lang tama yung mga sagot ko at hindi ako doon sa below passing. 4 weeks pa ang hihintayin ko para sa official result. Ifoforward pa kase nila yung exam result ko sa California Board of Registered Nursing. Haaaaayyy... Nakakakaba pa din. Looorrd...pleeeease....sana po pasado!

O well, at least nakaraos na ako sa aking exam. Nakahinga ako ng maluwag at madami na akong pdeng gawin ulit! yey! Para akong nabunutan ng tinik. 2 hrs lang mahigit ako hinintay nila nanay at tatay. Kawawa sila kase ang lakas ng ulan at wala silang ginawa kundi mag-ikot ikot sa Central dahil wala naman silang matambayan. Pagkatapos ng exam ko. umuwi muna kame ulit sa hotel para magpalit ng damit at magpahinga ng konti. hehe... Nagdinner lang kame noong gabing yon at nagpahinga dahil nga di naman magandang gumala. Worse naman yung experience ng mga tito ko...imagine, mag-rides at maggala sa disneyland nang naka raincoat at nakapaa?? Wala ding Grand Parade dahil nga umuulan. Baaaaddd.... (Btw, di na kame nagpunta disneyland kse nakapunta naman na kame noong 2004 sa California. E mas malaki naman daw Disneyland doon siyempre. yon!)

Pahabol: Noong araw na yon nga pala, dumating din sina Jobart sa HK. Walking distance lang ang layo ng hotel namin sa kanila. Tumawag siya sa hotel namin at nakapagkwentuhan kami sa phone. O diba?! Sa HK pa kame nagtelebabad. Kinamusta lang naman niya ang exam ko and we agreed to meet the nxt day sa gabi. Punta kse sila Disneyland kinabukasan at kami naman sa Ocean Park. saya! =)


Previous Posts

Archives

About the Angel


Name::Angela
From::Las Pinas City, Philippines

View my complete profile

www.flickr.com
gelai's photos More of gelai's photos

c o u n t  o f f
free html hit counters