Wednesday, June 14

 Sa Hongkong (Part 2)

After namin magbreakfast, nagpunta na kame sa Ocean Park. Madali lang naman pumunta doon. MTR lang baba sa Admiralty tapos Bus ride sa Ocean Park. Doon ako nakasakay sa Double-decker bus..yey! Tapos I got very excited nung nalaman ko na may Cable Car sa Ocean Park! Ang Ocean Park kase, ay nahahati sa headland at lowland. Di ka makakaratng sa headland nang hindi nasakay sa cable car! Kaya naman yung tita Pita ko na natatakot sumakay, wala siyang choice. Ako naman, super excited! haha! Honestly, expected ko naman kung ano makikita ko. Naisip ko din na mas malaki pa din ang Sea World ng States kase ang MAIN SHOW ng dolphins at sea lions sa Ocean Park ay side show lang ng sa States dahil doon mas maraming shows at may whale pa. Nasa headland ang mga rides. Mayroong similar sa Anchors Away at Flying fiesta ng enchanted. Sumakay din ako sa roller coaster at sa The Abyss - Ito yung super taas (straight vertical) tapos bigla kang ibabagsak... Grabe, nangimay ang buo kong katawan sa ride na ito. Wala naman akong kasama dahil oldies na mga company ko. hehe... Nagejoy din ako tingnan ang mga isda, mga jelly fish at yung nakakatuwa ay yung panda bear (Sina An-An at Jia-Jia). Nung hapon, bumaba na kame sa Lowland. Sakay ulit sa cable car overlooking sa South China Sea. Medyo umaambon pero buti di kasing lakas nung day before kundi di namin maeenjoy maglakad-lakad!

Grabe nakakapagod sa Ocean Park! Di na kame nakapunta sa THE PEAK dahil nga pagod na at maulap tapos mukhang ako na lang ang may energy pang gumala. Bumalik na kame sa hotel, nagdinner at nagpahinga. Niyaya ko pa din sila sa Avenue of Stars, walking distance lang yon sa hotel namin. Nung nakausap ko si Jobart sa phone, mukhang pagod na din siya kaya di din kame natuloy magkita nung gabing yon. Sa umaga na lang kinabukasan. Ayon... buti napilit ko ang ninong lito ko at si tita cecil maggala pa. hehe...

Ang AVENUE OF STARS ay parang Walk of Fame sa Hollywood. May mga sariling STAR ang mga artista doon kaso ang kilala lang naman namin ay si Bruce Lee, Jet Li at Jackie Chan. hehe... Pero ang sarap maglakad doon..parang Baywalk tapos di naman mabaho yung amoy ng tubig at maganda ang lights na natatanaw sa kabilang island. =)

Photobucket - Video and Image Hosting


Last day, umaga pa lang, we packed our things na dahil we have to check out sa hotel ng 12 pm. So, before we go sa Central at bago magbreakfast nagempake na kame. Nagkita din kame ni Jobart sa Kowloon Park. Grabe, magulo yung usapan namin at me mga txt siya na di ko narereceive kaya sayang di kame nakapagkita nang matagal! As in pinilit lang namin magkita kame para makapagpa-picture. haha! Mas matagal pa yung telebabad namin sa hotel. Pero ang saya pa din! At nagkakita kame doon! Nasa gitna kase ng hotel na tinutuluyan namin yung Kowloon Park kaya madali lang magkita. hinatid niya ako sa Fairwood kung saan nandon sina nanay. pupunta din kase sila sa Central para mag-shopping at by 3pm dapat nasa HK Airport na sila dahil 6pm ang flight nila. Ayon...

Photobucket - Video and Image Hosting


Kame naman, pagka-check out, nagpunta na din kame sa Central para mamili. Nandoon daw kase yung ali-ali kung saan madaming mga Pilipino at mura mamili. Pagdating namin doon, para ngang divi din! hehe... Namili lang kame ng pampasalubong at nag-luch sa KFC! O dba?! KFC pa din hanggang doon. Puro mga Pilipino na ang kumakain doon eh...

After lunch, me nadaanan kame na ALLEY... Ito pala yung 'alley-alley' kung saan nagstay ang mga nagtatrabahong pinoy doon. ANG DAMI nila! Naglalatag ng karton, tapos may baong pagkain at doon parang nagpi2cnic...may nagpepedicure, nagpapa-massage, may nag totong-its, atbp. Day off daw kase nila kapag sunday kaya naman na-memeet nila ang kanilang mga kaibigan doon. =)

Mga past 4pm na kame nakabalik sa hotel at sa lobby lang kame naghintay ng bus na sundo namin papuntang airport. 5pm kase kame sunduin at 9pm ang flight namin. =) Grabe pagod namin! Lakad nang lakad, shopping (Sa GIORDANO kame madaming nabili dahil mura doon!), kain, yon! Pero nanghihinayang pa din ako kse di kame nakapunta sa Space Museum, sa Science Museum, sa The Peak, sa Giant Buddha, di namin napanood yung Symphony of Lights, at di din kame nakasakay sa Mid-levels Escalator na world's longest daw! Hmm... dami pa ring di napuntahan...Siguro babalik pko sa HK pero di na para mag-exam huh. hehe,

Nkabalik kame dito sa Pinas nang mga 11:15 pm. Naramdaman ko agad ang init! Back to reality na...haha, sakit ng katawan ko at talagang nagyon lang ako nagkalakas ulit magkwento. Basta thank you para sa mga nag-pray para sa akin...sa amin. yon! Enjoy yung four days namin sa HK. Sulit na din at ang saya! I'm glad sinamahan ako nila nanay at tatay sa aking exam. I know, maswerte ako dahil sa kanila. LOVE YOU po! Mwaaahh!

PICTURES...PICTURES...PICTURES...!

Photobucket - Video and Image Hosting


Pahabol: HK $1 = Php6.8 and US $1 = HK $7.7 (Bawat presyo na makita ko nasanay ang utak ko magmultiply sa seven. haha!)


Previous Posts

Archives

About the Angel


Name::Angela
From::Las Pinas City, Philippines

View my complete profile

www.flickr.com
gelai's photos More of gelai's photos

c o u n t  o f f
free html hit counters