Wednesday, June 21

 self-fulfillment

Ang aking bestfriend na si Dyan ay niyaya ako sa isang IV training dito sa Las Pinas Doctor's Hospital. Isa itong magandang pagkakataon para naman magkaroon ako agad ng IVT (intravenous therapy) license. Ito ay isang 3-day training kung saan tuturuan kaming mag-insert ng karayom sa ugat para makapagkabit ng swero, makapagbigay ng gamot na sa ugat ipapadaan at makapagsalin ng dugo nang ligtas. Matapos ang training, kailangan naming magkumpleto ng anim na IV insertion, anim na IV drug administration at dalawang blood transfusion sa aktwal na pasyente. Magandang paghahanda din ito para sa nalalapit kong pagsisimula sa PGH...Dba?! Kaso, si Dyan ay hindi pinayagan mag-absent ng charge nurse niya sa ASIAN Hospital kaya naiwan akong mag-isa. Nagsumula ang 3-day training kanina.

May nakasama akong nurse pero matanda na at nanay na siya. Siya ang aking katabi nang buong araw. She is convincing me not to work in PGH anymore. Medyo masasakit ang mga sinabi niya, kesyo napaka-idealistic ko daw...dapat daw as early as now, I am striving hard to help my parents. I do not need daw the 3-year experience in PGH at dapat daw sa walang contract na lang ako...Parang napakasama kong anak. I know somehow yun din ang nararamdaman nila nanay...

Alam ko, that lady, hindi niya ako maiintindihan. Almost all the nurses here ay naaatat nang umalis. Hindi ko din naman sila masisi. Ako din naman alam ko na that's the better way. But what I really want is to somehow be able to serve the Filipino people through my nursing care. Mas kailangan nila ako dito. Kakaibang sense of fulfillment ang maibibgay noon sa akin. Isa pa, gusto ko matuto. Through extensive experience. Ayoko sumabak sa ibang lugar na hindi ako confident enough to render safe and effective nursing care. Iba pa din yung may maipagmamalaki ako in terms of experience. And lastly, ayoko din na maging basta-bastang nurse. Gusto ko yung may quality. Yung marunong, yung magaling di lang sa theory, kundi pati sa practice and most importantly yung may puso. Maybe that's the effect of studying in UP. The result of taking care of the marginalized and oppressed people. Ang epekto kapag isinapuso mo ang lahat ng turo ni Mam Mejico at kapag nakita at naranasan mo ang kagalakan na may natulungan ka sa mga taong hindi na napapansin ng lipunan. Sila lang ang nakapagbibigay ng deepest appreciation and gratitude for those who opted to stay here. Ganito talaga siguro kapag paslit ka pa lang na-orient ka na sa konsepto ng paglilingkod---sa YOUTH MINISTRY sa parish namin. Maaaring epekto din ito ng isang taong takot at ayaw mawalay sa pamilya. Ang pamilya na pinakamamahal niya. Iniisip ko pa lang ngayon na aalis na ako, naiiyak na ako...

I dont like to work in PGH for the sake of meeting the 1 year requirement for Filipino nurses and finishing the 3-year contract. Merely thinking of how hard to manage more than 10 patients a day for three years is not helpful! Toxic talaga dito...If you wouldn't see joy and fulfillment of serving the Filipinos, if you wouldn't appreciate what you have learned each day no matter how small it is, if you would be blinded with the fact that you are always overworked and underpaid, and if you wouldn't seek God in each patient, then the 1 year requirement will be like 10 years of hell.

On the other hand, if you would look at each day as a blessing, if you would take the time and opportunity to learn, if you would allow yourself to be nourished with the insights and wisdom that each experience will give, and if you would find God in each patient you encounter, then three years will be like 6 months --fruitful and fulfilling! haha! Exaggerated ba?!

Waahhh....sana magawa at maisip ko ito kapag nagtatrabaho na ako! ayoko ngang magsuffer ng 10 years sa hell! hehe, Alam ko, mahirap. May mga araw na isusuka ko ang aking trabaho pero I know that what matters is that my intentions are humble and pure. Maaaring pinagtatawanan ako ng ibang tao, naiinis sa akin ang mga magulang ko, at nanghihinayang sa akin ang iba pero ito ang aking pinaniniwalaan. Ito din ang 'calling' sa akin sa ngayon. At nais ko itong matugunan. Personal fulfillment ito na alam kong hindi ko makukuha sa limpak limpak na dolyar. Hindi ito nabibili.

Matapos ang tatlong taon, tamang-tama lang na malapit na magkolehiyo ang aking mga batang kapatid...It's my turn naman. Hindi ko sila pababayaan siyempre. Matutulungan ko pa din sila sa kanilang pag-aaral. Aalis naman ako talaga dahil mahal ko sila higit sa aking sarili. Sa ngayon, sana ay maintindihan nila ako na ayoko pa umalis, na gusto ko pa makasama ang aking pamilya, na gusto ko pa matuto, at na gusto ko maglingkod muna dito---dito sa Pilipinas!

MAHIRAP BA INTINDIHIN YON??! IBA-IBA NAMAN ANG PANANAW NG BAWAT TAO...AT KAILANGAN NATIN ITONG IGALANG... MAY KALAYAAN DIN NAMAN TAYO NA GAWIN KUNG SAAN TAYO MAGIGING MASAYA DIBA?! DITO AKO MAGIGING MASAYA. selfish ba ako kung ganito ako mag-isip?? Pasensiya na, naiiyak kaya ako habang sinusulat ko ang mga ito. Nasaktan lang ako talaga sa mga binitiwang salita ng nakilala ko kanina... Haaaaayyyy..........


Previous Posts

Archives

About the Angel


Name::Angela
From::Las Pinas City, Philippines

View my complete profile

www.flickr.com
gelai's photos More of gelai's photos

c o u n t  o f f
free html hit counters