Sunday, August 6

 PGH-RNs of upcn05

Nagkita ako, ica, suzet at joan last Monday! Sama dapat ako sa SUKOB kaso nahiya ako sa mga ka-ward na kasama nila...Pero nung Wednesday, pinuntahan ako nina Ica, Jape at Che sa ward! Nag-meet kame sa Cabalen at konting kwentuhan. Medyo bitin kase umuwi na din ako agad at nakita ko Prech at Astrid kaya sabay na kame ni Astrid umuwi. (Nakita din daw pala nla Prech at Astrid si Marcky) =) Nakakatuwa, namiss ko silang lahat! Kame ang PGH Nurses of Batch 2005 hehehe, at marami pang iba. Sana maging regular ang pagkikita namin. Tapos nung Thursday naman magkasama kame ni Astrid post-duty. Sinamahan ko siya tumingin ng kung anu-ano para sa locker niya pero ako ang mas napabili! Ang saya pa rin talaga nang may friends ka na laging andyan at pwede mong kasama. Feeling ko mas naging close kame ni Astrid ngayon after graduation kesa nung college. hehe, Si Michelle as usual...missing pa din! Hmmmp! Sabi skin ni Sir Al, sulitin ko daw ang company ng friends ko ngayon kse kapag nagliparan na kameng lahat paalis, sobrang nakakalungkot daw. At least, habang nandito pa kame, nasulit namin na magin sama-sama diba?!

Kaso may isang frustration pa din ako... HINDI PA AKO NANONOOD NG SINE! huhuhu! At hindi pa din ako nakakapunta ng MOA. Baaaaad talaga! Na-miss ko ang lakehouse, superman, pirates, at marami pang iba! Kase naman....

At isa pa... HINDI PA AKO SUMESWELDO! 1 month na kaya ako! waaaaaahhh! Di pa kse ako nagooath-taking! Parang di ko na yata kayang maghintay pa ng end of August. Nakakaawa naman kameng dalawa ni Ethel... Kahit na sabihin mong mnalaki yun kse nga lahat sama-sama, ang pangit pa din yung feeling na humihingi pa din ako ng baon sa tatay ko araw-araw! Diba?!

General Orientation Procedure namin the whole week next week. Wag lang sana ako matoxic kse minsan iba ang expectations nila kapag UP Graduate! Nyay!


Previous Posts

Archives

About the Angel


Name::Angela
From::Las Pinas City, Philippines

View my complete profile

www.flickr.com
gelai's photos More of gelai's photos

c o u n t  o f f
free html hit counters