Friday, September 1

 kamusta naman yon?!

I often hear this expression in our parish. If someone will tell a joke or a comment, "Kamusta naman yon?!" is the response you would usually get...very inappropriate pero yon ang pauso nila these days!! =)

As for me, as a mental health nurse, I wonder how many times I use that sentence in a day... "Kamusta ka na?" o "Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?!" In my every nurse-patient interaction, I think I have over-used the sentence just to start the conversation with my patients. Haaahaaayyy...

Nagiisip tuloy ako ng iba. Sa tingin ko kase, lahat ng pasyente sa ward namin ay sawang-sawa nang sagutin ang mga tanong na yan. Minsan 4-8 tao ang kumakausap sa kanila sa isang araw. May doctor, nurse, student-nurse, intern, clerk, occupational therapists, seminarians at psycholgy students. IMAGINE! May isang araw, sabi ng isa kong pasyante, "Ms. Mabale, bakit ba ang daming nag-iinterview sa amin? Mga apat na ata yung mga nakaputi! Pwede bang pakisabi na lang sa kanila, ayoko muna makipag-usap?! Pare-pareho lang naman ang mga sinasabi nila eh!"

Uhmm, buti na lang brown at green ang uniform namin. hehe... Ang pasyente kong ito ay cooperative sa interview talaga. Bibigyan ko ba siya agad ng nursing diagnosis na Impaired Social Interaction para sa araw na iyon?? Haaaay, kailangan i-respeto din sila na may mga pagkakataon na mas gusto nilang mapag-isa. Kahit na sabihin nating nakakatulong na may nakakausap talaga sila pero kung ganon naman kadami, overstimulated na sila. Kahit nga ako, nakakapagod magkwento ng paulit-ulit eh, dba?! Syempre, pagkatapos namin mag-usap, pinuntahan ko na muna yung intern at sinabihan na mamaya na lang niya kausapin ang pasyente. Kamusta naman yon?! =)

=====*o*=====*o*=====o*o=====o*o=====

Nakaka-stress ang duty ko ngayong linggong ito. Nung tuesday may nagalit sa aking pasyente dahil hindi ko siya naisama sa gardening. Pre-occupied kase siyang umuwi at naisip ng head nurse namin na posible siyang tumakas. Ayon, nagalit sa akin, nagsisigaw, nagwala, naitali at na-injectionan. Haloperidol at Diphenhydramine. Galit na galit siya sa akin. Sabi niya, "Nakikita mo ba itong kamay ko, nanginginig ang kamay ko dahil galit ako sa'yo. Pasalamat ka at nakatali ako dahil kung hindi nasampal talaga kita! Nag-volunteer akong sumama sa gardening tapos ako pa ang hindi mo isasali? Inggetera ka!!!" Whew...kumabog ang dibdib ko nung kausap ko siya. Ayoko din naman kase na may nagagalit sa akin. At siyempre, di ko din siya pdeng patulan. Kinabukasan non, yung isang naman pilosopo kong pasyente ang irritable! Haaayyy... Nakakadugo ng utak talaga! Kailangan matatag ang kalooban mo.

Mamaya, PM shift na ako, ibig sabihin, 2-10:30 pm ang duty ko. First time ko mag-PM sana hindi toxic! Dalawa lang kame mamaya. Nyay!

=====*o*=====*o*=====o*o=====o*o=====

Nagoath-taking na nga pala kame nung Monday bilang kawani ng gobyerno at ng PGH! Yahhhooooooo! Susweldo na ako sa wakas sa 1st week of September! At last, AFTER TWO MONTHS!!! Madami nkong utang eh! Huhuhu....


Previous Posts

Archives

About the Angel


Name::Angela
From::Las Pinas City, Philippines

View my complete profile

www.flickr.com
gelai's photos More of gelai's photos

c o u n t  o f f
free html hit counters